CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

May 3, 2009

Congratulations Pacman!


Oh diba?Wagi na naman ang ating kababayan na si Manny "Pacman" Pacquaio!Hahaha!


Mga past 1 na nung nagising ako kanina, dahil medyo wala pa ako sa ulirat nakalimutan kong ngayon nga pala ang laban ni pacman at hitman.Nakahiga pa rin ang inyong lingkod sa kanyang kama, at tamad na tamad pa ring bumangon.Then, I grabbed my phone para tingnan kung may mga messages, at di naman ako nagkamali dahil flood na pala ako ng messages(salamat sa aking mga Omega Friends para sa mga text messages at update sa laban ni Pacquiao!), tapos nabasa ko din yung text ng isa kong Omega Friend, sabi nya:


"1st Round pa lang 2 na knock down ni Hatton"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagmamadali kong buksan ang TV.Hahaha!Since, poorito lang ang inyong linkod, at can't afford ang pay per view, o manuod sa sinehan, sa telecast na lang ng Solar Sports ako nanuod!Hahaha!




Umabot naman ako sa pagkanta ng National Anthem ng pinas!Ewan ko ba kung san nanuod yung kaibigan kung yun, at alam na agad yung nagyare sa laban ni Pacman!Hahaha!Siguro nanuod sa sinehan, o kaya naman nagtanong tanong sa mga susyal na afford ang pay per view!Hahaha!

Anyway, unang Round pa nga lang, eh kita mo ng dehado ang pambato ng britanya.Nalaglag agad siya ng 2 beses.Then, at Round 2, 10 seconds before the Bell, napatumba na ni Pacman ng tuluyan si Hatton.


Hay buhay!Lalo na namang yayaman si Pacquiao!

I wonder, ano na naman kaya ang ibibigay ni Manny kay Aling Dionisia, bukod sa Relo na tadtad ng Diamonds?Hahaha!


Congrats Pacman!



PHOTO from www.google.com

0 Nagbahagi ng saloobin: