CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

May 27, 2009

Ang Sinigang na Bangus

Oh diba? Lumelevel na ang mga luto ko! Hahaha!



Mga 6 pa lang this morning ay ginigising na ako ng aking tatay bago siya pumasok sa trabaho niya. Syempre dahil mabait naman ako(OH?), gumising na ako. Bago din umalis ang aking tatay ay pinagbilinan niya akong magluto daw ng Sinigang na Bangus para sa pananghalian.

Eksena:

Tatay: Anak gising na, at bantayan mo ang kapatid mo, at magluto ka mamaya ng Sinigang na Bangus.

Ako: Paano ga ho magluto non? Si naman ako marunong eh!

Tatay: Basta lutuin mo, kapag maasim Sinigang na yun!

Napaisip naman ako. Nilalagyan kaya yun ng suka at paminta? Hahaha!

Syempre, hindi naman talaga ako likas na marunong sa kusina, hindi ko alam kung paano magluto ng hinayupak na sinigang na yan! Hahaha! So, I badly need ng tulong galing sa aking Lolo, at mabilis ko namang natutunang lutuin! Madali lang naman pala, buti na lang may Knorr Sinigang sa Sampalok! Hahaha!

Eto naman ang mga Ingredients na ginamit ko sa aking Sinigang na Bangus:

Syempre Bangus
Sitaw

Talong
Puso ng Saging
Talbos ng Kangkong

Bawang

TIPS:
Wag uunahin ang Talbos ng Kangkong na ilahok sa bangus! Dahil malalabog ito!
Huwag masyadong aasiman ang timpla! Hahaha!


Oh diba? Para sa aking Sinigang na yan! Wala ng Kokontra! Hahaha!

PHOTO from: www.google.com

0 Nagbahagi ng saloobin: